Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Cavite State University



Cavite State University ay isang Universidad na maituturing kong isang semi-private na university sapagkat mula sa suot ng studyante mula ulo hanggang paa maging sa gupit ng buhok ay mahigpit ang patakaran na ipinapatupad kumpara sa ibang kilalang university ngunit kahit ganito kahigpit ang patakaran may ilan parin ang nakakalusot dito.
Alam mu ba na ang Cavite State University ay nag simula noong 1906 at ito ay nasa 30 kilometro ang layo nito mula sa maynila bukod doon ay bago naging cavite state university ang pangalan nito ay Don Severino delas alas napalitan lang ito noong last January 22, 1998 with the effect of Republic Act No. 8468.
          Dumako naman tayo sa pag aaral dito. Ang pag aaral dito ay dekalidad tulad ng ibang sikat na university kaya masasabi ko bilang estudyante dito na mahirap na madali ang pag aaral dito in a way na may pagsusulit ka at di ka masyadong nakapag review ay madali kang babagsak at pag bumagsak ka dito ay mahihirapan kang makapasa, mahirap ang pag aaral dito lalo na kung mahal na mahal mu ang iyong kama at unan kasi dito ang madalas na pag ka late sa clase ay nagiging absent at ang pagiging absent sa clase ay ibabagsak kaya kada taon ang mga bagong estudyante na halos napaka rami ay unting-unti o kaya ay biglaang nauubos iyon ay sa kadahilanan na ang hindi pagiging responsible sa pag aaral nila ay lubos na naka apekto sa kanilang pag aaral, ok lang naman mag laro ng dota, online games o mag online mag hapon sa facebook kung naayos muna ang mga kelangan mung gawin halimbawa assignment o research and mostly project. Ang mga professor namin ay mga bihasa mula sa iba’t-ibang Universidad at dahil dito para mafullfil nila ang vision at mission ng Universidad ay sinasala nila maigi ang bawat estudyante upang maging morally upright individual.
          Upang ganap nalaman mo  ang aking Universidad may mga larawan ako ng ilang lugar at department ng aming paaralan.

CEIT College of Engineering and Information Technology
-dito ang mga kursong tungkol sa technology at engineering ay makukuha ito rin ang may pinaka maraming estudyante sa Universidad ang makikita mung laman ng mga computer shop sapagkat kung hindi dahil sa laro ay paniguradong tadtad sila ng mga gawaing ibinigay ng mga professor nila, Isa ito pinaka malaking department ng CSU.


CAS College of Arts and Sciences
Ang CAS ang masasabi kong isang departamento kung saan ang pag papahayag ng bawat sa loobin at isipan ay mahalaga dito rin kinukuha ang mga subject ng English at Social Science dito matuto tayo ng tamang kaalaman tungkol sa wika at batas at kung paano tayo makikitungo sa ibang mga tao.


CEMDS Economics, Management and Development Studies
Ang CEMDS ay ang departamento kung saan pinag aaralan dito ang economiya at mga batas na ipinapatupad sa ating bansa at sa pag pasok ko rito ay tinuturuan kami dito ng tamang desisyon para sa aming hinaharap.

CON College of Nursing
Ang CON ay isang magandang gusali dito sa CvSU bukod dito ay kapuri puri din ang kanilang pag tuturo tungkol sa tamang pang gagamot sabi ng marami ay masisipag daw ang mga guro dito at madalas daw na mag over time ang mga ito.


          Alam mu bang nitong October 2011 ay may mga na produce na CPA ang CvSU na may 28.57% out of 47.69 national passing rate at bukod doon nitong September 2011 ang Medical Technologist students dito ay nakapag tala ng 100% passing rate para sa medical technologist licensure exam bukod pa dito noong july 2011 ni release ang result ng Nursing licensure exam ang mga first taker na fresh graduate sa course na to ay nakapag tala ng 90.48% passing rate out of 47.78% national passing rate.
          Patunay lang ang mga ito na ang Cavite State University ay isang magandang Universidad na kayang makipagsabayan sa mga kilalang paaralan sa iba’t ibag panig ng bansa bagama’t mahirap ang aral dito ay makakapasa ka rin basta mag tiyaga at mag aral ng mabuti para sa huli ay di ka mag sisi.

Reference
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=52&Itemid=56
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=62&Itemid=67
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=64&Itemid=69
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=65&Itemid=70
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=66&Itemid=71
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=86&Itemid=85
http://caviteniofilipino.blogspot.com/2009/08/cavite-state-university.html
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=250:2011-new-cpa&catid=34:latest-news
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=240:cvsu-med-tech-2011&catid=34:latest-news
http://www.cvsu.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=231:board-passers-nursing-licensure-exam-july-2011&catid=34:latest-news

-Adrian Paul Liveta

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento